GABRIEL SMILED to himself. Nangyari na 'to sa mundo ng mga tao. At mangyayari ulit 'to ngayon dito sa Arwood. Kinausap siya ng ama ni Renesmee. "Gabriel." Narinig niyang tawag sa kaniya ng ama ni Renesmee. Si Haring Stephan. Kaagad na tumingin si Gabriel sa ama ni Renesmee. "Mahal na hari." Pagbati niya rito at yumuko. "Kapag tayong dalawa lang. Huwag mo na akong batiin bilang hari. Ituring mo na akong ama mo dahil narito ka na sa Arwood at wala ka na sa mundo ng mga tao." Sabi ng ama ni Renesmee. Tumango si Gabriel. "Sa totoo lang, nanggaling na rin ako sa mundo ng mga tao." Ani Stephan. Naging interesado si Gabriel sa susunod na sasabihin ni Stephan kaya tahimik siyang nakinig dito. "Dati akong nanirahan sa mundo ng mga tao. Umalis ako dito sa Arwood noon dah