INAYOS ni Gabriel ang suot na sumbrero bago pumasok sa Dayne's restaurant. Mahirap na kung may makakilala sa kaniya. Magkakagulo lang panigurado. Pagpasok niya sa loob ng restaurant. Hinanap niya si Reigo. Sinabi niya kasing magkita sila dahil may sasabihin siyang importante. Nakita naman niya ang kaibigan na nakaupo sa gilid, sa tabi ng glass wall. Lumapit siya sa kaibigan. Nagtaka naman si Reigo ng may lumapit sa kaniyang nakasumbrero pero nakita niya ang suot nitong singsing kaya nakilala niya ito. "Pwede naman kasing sa opisina na lang." Aniya. Gabriel shrugged. Umupo siya at tinignan ang iniinom ni Reigo. "Ano 'yan?" Reigo tsked. "Ano bang naamoy mo?" "Okay. Okay. Coffee. Ano ba 'yan? Tanghaling tapat, kape. Ikaw yata ang naglilihi sa inyong dalawa ni Pri