ILANG MINUTONG nakatitig si Prinsesa Gabril kay Khalil. Nagulat siya sa bigla na lang nitong sinambit na salita. Napakurap na lang siya nang biglang pumitik ng daliri si Khalil sa harapan ng mukha niya. "Earth to Gabril." Nakangiting sabi ni Khalil at lumuhod sa harapan niya. Hinawakan nito ang kamay niya. "Nagulat ba kita?" Tumango si Prinsesa Gabril. Ngumiti si Khalil. "Masyado ba akong mabilis?" Tumango ulit si Prinsesa Gabril. "Pasensiya na. Prangka kasi akong tao. Hindi ko na pinapatagal pa kung ano ang gusto kong sabihin. Totoo 'yong sinabi ko, mahal kita." Bumilis ang tibo ng puso ni Prinsesa Gabril dahil sa sinabi ng lalaking itinakda sa kaniya. Naririnig rin niya ang mabilis na kabog ng dibdib nito. "Gabril." Napakurap si Gabril. "P-pasensiya. Nag