HATING-GABI na pero hindi makatulog si Khalil. Kanina pa siya nag-aalala, hindi naman niya alam kung bakit. Si Gabril ang nasa isipan niya. Napabuntong-hininga siya at bumangon. Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng beer sa ref. Namiss niya ang bahay ni Gabril. Ilang linggo rin siyang nanatili doon. Hawak ang beer, nagtungo siya sa living room at binuksan ang tv. Manonood na lang siya. Malapit na niyang maubos ang beer nang marinig niyang may nag-door bell. Napatigil si Khalil sa pag-inom ng beer at napatingin ang pinto. Sino naman ang pupunta sa ganitong oras ng gabi. Napabuga siya ng hangin at inilapag sa centertable ang hawak na beer. Pinatay niya rin ang tv at tinungo ang pinto. Binuksan niya ito. Nanlaki ang mata niya. "Gabril?" Gul