NAPANGISI si Erosho nang makapasok siya sa palasyo ng mga bampira nang walang nakakapansin sa kaniya. Kailangan niyang magawa ang balak niya bago pa man may makapansin sa kaniya. Sigurado siyang lalabanan siya ng mga prinsesa kapag nakita siya ng mga ito. Pinakiramdaman niya ang presensiya ng walong tagpagmana at hindi niya maramdaman ang presensiya ng mga ito sa loob ng palasyo. Kaya naman hinanap niya ang mga ito. Hindi siya pwedeng mabigo sa plano niya. Itinago ni Erosho ang sariling presensiya at hinanap ang kinaroroonan ng walong tagapagmana. Natagpuan niya ang mga ito sa labas ng palasyo at nag-e-ensayo kasama ang mga kawal. Talagang kakaiba ang abilidad na taglay ng walong tagapagmana. Ganun talaga siguro kapag may dugo ng mortal ang nananalaytay sa mga ug