MULA sa seer portal, nakikita ni Erosho ang limang tagapagmana na patungo sa palasyo niya. Napangisi siya. Kakaiba talaga ang walong tagapagmana. Wala nga siyang nararamdamang kapangyarihan sa mga ito pero kaya naman nilang talunin ang mga alagad niya. Maraming alagad niya ang nalagas. Hindi niya akalain na magaling makipaglaban ang mga tagapagmana. Nakita na niya ang mga itong lumaban pero hindi niya akalain na mas may igagaling pa ang mga ito. Nagpapanggap lang ba ang mga ito walang kapangyarihan? O sadyang itinago ng mga tagapagmana na ang mga kapangyarihan nila mula sa kaniya? Wala siyang nakuhang kapangyarihan mula sa tatlong tagapagmana at kahit anong gawin niya, hindi niya mapasunod ang mga ito bilang mga alagad niya. Hindi na siya dapat magtaka pa. Alam niyang protektado ang mg