MULA sa hindi kalayuan sa dalampasigan, nasa isang malaking puno ang walong tagapagmana at nakatingin sa pangkat ng mga Adessa. Naghihintay sila ng pagkakataon na magpakita sa mga magulang nila. Alam nilang labis na ang pag-aalala ng mga ito sa kanila. "Hindi ko akalain na ganito karami ang mandirigma ng Adessa." Sabi ni Shane. "Huwag ka ng magtaka." Ani Dominic kay Shane. "Mandirigma ng walong kaharian ng Adessa ang mga 'yan kaya huwag ka ng magtaka kung bakit marami sila." "Pero bakit kaya wala pa ang mga Aholor?" Nagtatakang tanong ni Pheonix. "Or did they set up a trap?" "Mukhang hindi 'yon malabong mangyari." Sang-ayon ni Nicholas sa sinabi ni Pheonix. "Gustong masakop ni Erosho ang Adessa kaya hindi imposible ang sinasabi mo." "Digmaan?" Napailing si Maverick. "Kapag nagsimula n