"NEKIEL!" Napabalikwas ng bangon si Lexander dahil sa isang masamang panaginip. Pinagpapawisan siya at medyo hinihingal. Mabilis ang t***k ng puso niya. Kinakabahan siya. Huminga ng malalim si Lexander at kinalma ang sarili. "Nekiel..." Sambit niya sa pangalan ng dalaga. Mabilis niyang inabot ang cellphone sa nightstand at tinignan ang oras. It's four in the morning. Akmang tatawagan ni Lexander ang dalaga nang maalala niyang madaling araw pa lang. Malamang tulog pa ito. Napabuntong-hininga si Lexander at itinapon ang cellphone sa paanan ng kama. Muli siyang humiga sa kama at ipinagpatuloy ang naudlot na tulog. Nagising na lang siya kinabukasan dahil sa sinag ng araw na lumulusot sa bintana ng kwarto niya. Nang pumasok sa isipan niya si Nekiel. "Nekiel?" Mab