NEKIEL blows a breath before entering the restaurant infront of her. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin ni Eliza at kung bakit siya nito pinapunta sa restaurant. Wala siyang balak pumunta pero mukhang kailangan nga talaga nilang dalawa ang mag-usap. Huminga na lang si Prinsesa Nekiel at hinanap si Eliza Dela Cruz. Hindi niya maiwasang mapailing nang makita ito na nakaupo sa tabi ng glass wall ng restaurant. Eliza looked sophisticated. Well, she's a model. Hindi na nakakapagtaka 'yon. Napabuntong-hininga siya at naglakad palapit sa modelo. Inilapag niya ang sling bag sa mesa bago umupo sa upuan sa tapat nito. Itinaas niya ang suot na sumbrero para makilala siya ng modelo. Napatingin naman si Eliza kay Nekiel. Kilala niya si Nekiel bilang isang sikat na mar