NAPABUNTONG-HININGA SI Hanz habang nakatingin sa mga paper works na nasa harapan niya. Dalawang linggo siyang hindi nakapasok dito sa kumpanya dahil kailngan niyang magpahinga ng mabuti, kaya naman madaming tambak ang trabahong sumalubong sa kaniya. Nagpatong-patong ang mga folders sa harapan niya na kailangan niyang rebyuhin. Who says that being a CEO is a happy position? Napailing si Hanz. Pero kahit magreklamo pa siya wala naman siyang magagawa kung hindi ang gawin ang trabaho, magsipag para sa future. And speaking of the future, his wife, isn't feeling well this past few days. Ayaw naman nitong sabihin kung ano ang problema nito. Mavielyn says that she's okay but for him, his wife wasn't okay. Kaya naman tinawagan niya ang foster mother ni Mavielyn para papunt