MATAGAL na si Prinsesa Gabril sa mundo ng mga mortal. Marami na siyang nakilala at mga nakasalamuhang mga tao. Sa lahat ng mga nakasalamuha niya. Hindi niya pa nakikita ang lalaking itinakda sa kaniya. Ang lalaking gagamot sa sumpa niya. Hindi niya alam pero nawawalan na siya ng pag-asa. Minsan, naiinggit na rin siya sa mga kaibigan niyang prinsesa kasi nahanap na ng mga ito ang kanilang mga lunas at masaya na sila sa piling ng mga asawa nila. Napabuntong-hininga si Prinsesa Gabril at tumingala sa bilog na buwan. Isa lang ang buwan dito sa mundo ng mga tao. Hindi katulad sa mundo nila na dalawa ang buwan na nakatanglaw tuwing gabi. Pinagdadaanan niya muli ngayon ang sumpa ni Erosho. Hindi niya alam kung hanggang kailan 'to matatapos? Matagal na siyang naghihintay