PAGKATAPOS ng kasal ni Prinsesa Renesmee at Gabriel. Umalis na ang mga ito at bumalik sa Arwood dahil kailangan ng mga taga-Arwood ang tulong mula sa isang prinsesa. Sumunod naman kaagad ang kasal ni Prinsesa Mavielyn. Napabuntong-hininga si Prinsesa Gabril habang nanonood ng seremonya ng kasal. Napapangiti siya dahil halatang gusto ni Prinsesa Mavielyn at Hanz ang isa't-isa. Hindi lang ng mga ito maamin. Mukhang happy ending rin ang lovelife ni Prinsesa Mavielyn. Natawa na lang siya ng kissing of the bride na dahil biglang umiwas si Prinsesa Mavielyn. Alam naman niya kung bakit ito bigla na lang umiwas. Ang halik ay kailangang mangyari lamang sa kabilugan ng buwan kapag pinagdadaanan nila ang sumpa. Napangiti si Prinsesa Gabril. Pagkatapos ng seremonya ng kasal