BINISITA ni Prinsesa Gabril ang kaibigan na si Prinsesa Airene sa tagaytay. She wanted to see her baby. Hindi niya kasi ito nabisita noong nanganak ito dahil abala siya sa clinic niya. And now that she have time, bibisitahin niya ito. Nagdala rin siya ng pasalubong na prutas para kay Prinsesa Airene. Mabuti na lang at may kapangyarihan siya sa paglalaho kaya nakapunta siya sa probinsiya at kumuha ng prutas sa hacienda ni Tatay Abel. Kaya lang hindi naman siya pwedeng maglaho at basta na lang lumitaw sa mansyon ni Stanley at Airene. Siguradong magugulat sa kaniya ang kasambahay ng mga ito. Kaya nag-bus na lang siya papunta sa Tagaytay. Pagdating niya doon, kilala naman na siya ng guard kaya kaagad siyang pinapasok. "Airene!" Excited niyang sigaw sa pangalan ng kai