SATURDAY. 10:35 A.M. TUMINGIN si Prinsesa Mavielyn sa building ng Lopez's Cars. Dahil matalas ang paningin at glass wall naman ang dingding ng building, nakita niya si Hanz na nakaupo sa swivel chair. Ngumisi si Prinsesa Mavielyn. Mahal na prinsesa, ano ba kasi ang ginagawa natin dito? Nagtatakang tanong ni Luna sa kaniya. Hindi ba gusto na mapalapit tayo sa lalaking itinakda sa atin. Pinabigyan kita kaya tayo nandito. Sabi ni Prinsesa Mavielyn sa inner wolf niya. Kagabi pa kasi ito nangungulit na dapat mapalapit sila sa lalaking itinakda sa kanila. Huminga ng malalim si Prinsesa Mavielyn at pumasok sa loob ng building. Nakita niya kaagad ang mga mamahaling mga sasakyan na naka-display. May lumapit naman kaagad sa kaniya na staff. "Good morning, Ma'am." Bati nito. Tumango si Prinse