"ANO BANG nangyayari sa 'yo, Prinsesa Mavielyn? Kanina ka pa hindi mapakali diyan." Sabi ni Prinsesa Gabril sa kaibigan. Frustrated na napabuga ng hangin si Prinsesa Mavielyn at napasuklay sa kaniyang mahabang buhok. Nagkatinginan naman si Prinsesa Gabriel at Prinsesa Nekiel na kasama ni Prinsesa Mavielyn. Wala si Prinsesa Renesmee dahil pumunta ito sa isang malayong probinsiya para sa isang medical mission na gamutin ang mga sugatang sundalo at sibilyan. Kaya silang tatlo na single ang natira. Busy naman ang mga prinsesang may asawa na. "Ano ba talagang nangyayari sa 'yo, Prinsesa Mavielyn? Akala ko ba magbo-bonding tayo." Sabi ni Prinsesa Nekiel. "Pasensiya na kayo. Hindi lang kasi ako makapaniwala at hindi ko maintindihan ang mga narinig ko kahapon mula sa kani