Chapter 37 3rd Person's POV "f**k!" Sa pangalawang pagkakataon nauntog na naman si Silver. Natawa si Adara at hinila ang asawa sa gutter at tinanong kung ayos lang ito. "Dalawang beses na ako nauntog. Mga unano ba mga tao dito at ganoon kaliit ang jeep," ani ni Silver. Mainit na naman ang ulo nito. Lumingon si Adara at Silver. Tiningnan ang mga nadaan. Matangkad na tao si Silver mga nasa 6'2 something. Napa-pokerface si Silver at biglang tumawa si Adara. Sumampa si Adara sa bench na nasa likuran niya lang. Napatingin si Silver nang hipan ni Adara ang bahagi kung saan siya nauntog kanina. "Anong ginawa mo?" tanong ni Silver. Medyo mataas si Adara mga ilang pulgada kaya bahagyang tumingala si Silver— ngumiti si Adara ng matamis. "Hinipan ko. Sabi nila kapag hinihipan daw iyong som