Chapter 38 3rd Person's POV Sinundan ng matanda ng tingin si Silver at Adara. Magkahawak ang kamay ng dalawa habang nakangiting nakatingin si Adara sa keychain na niregalo ni Silver. Maya-maya lang may magarang kotse ang tumigil sa harapan ng stall. May napakasopiskitada na matandang babae ang bumaba. Sa tiyura nito halatang napakaganda nito noong kapanahunan nito. "Honey? Hindi ka pa ba pagod diyan? Umuwi na tayo nagluto ako ng masarap na dinner para sa atin," malumanay na sambit ng ginang matapos alisin ang sun glasses. "Ngunit itong stall ko— baka mawala," ani ng matanda matapos tumayo at napakamot sa ulo. Sinabi ng matandang babae na papapuntahin niya doon ang mga tauhan niya para kuhanin ang stall ng matanda. "Sumakay ka na kung ayaw mong pati ikaw ipakaladkad ko sa mga tauh