Chapter 39 3rd Person's POV "Wala sa akin na mangyayari na masama," bulong ni Silver. Pareho silang lumingon sa bintana ng bus. Unti-unting nagbukas ang mga ilaw sa lansangan. "Pretty," bulong ni Adara. Tumingin si Adara kay Silver. Napako ang tingin ni Adara sa mga mata ni Silver. Kumikislap ang mga mata ni Silver dahil sa liwanag. Hinawakan ni Adara ang ilalim ng mata ni Silver na kinatingin ni Silver sa kaniya. "Bakit ka malungkot?" tanong ni Adara. Sinabi ni Silver na iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang mundo. Tiningnan ni Silver ang bintana. Nakita niya ang napakaraming tao na daan sa gilid ng kalsada. May mga magbabarkada na kalalabas lang sa isang store, buong pamilya na kasalukuyang nagtatawanan habang naglakad sa tabi ng kalsada at mga magkasintahan na masayang m