Chapter 40 3rd Person's POV "Pinuno? Ayos ka lang?" tanong ni Eos. Pinagpapawisan kasi si Silver habang nakaupo sa gilid ng kama. Tumayo si Silver at tinanong kung bakit ang tagal ni Adara. "Gaano ba katagal hintayin bago lumabas ang result?" ani ni Silver at lumapit sa pinto ng bathroom. Nagkatinginan si Ariel at Eos. Wala pang 2 minutes noong pumasok sa loob si Adara. Kinatok ni Silver ang pinto. Maya-maya bumukas iyon matapos tanungin ni Silver bakit ang tagal ni Adara. Bumukas iyon. Hawak ni Adara ang pregnancy test. May hindi ito maintindihan na expression habang hawak ang pregnancy test. "Dara— bakit?" tanong ni Silver. Hinawakan ni Adara ng mahigpit ang pregnancy test. "I'm sorry, Shawn," bulong ni Adara. Sinabi ni Adara na buntis siya. May baby sa sinapupunan niya at h