FAYE “Adi, kamukha ko ba talaga si Mira?” Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil ramdam ko ang panginginig nito matapos kong magtanong kay Sir Adi. Nangunot ang kaniyang noo at nakita ko kung paano biglang nagbago ang aura ni Sir Adi. “Why are you asking that?” matigas ang ekspresyon na tanong ni Sir Adi sa akin. “Iyon kasi ang sabi ng babaeng lumapit sa akin kanina sa loob ng shopping mall,” kinakabahan kong sagot. Nanatiling seryoso ang ekspresyon ng asawa ko. Hindi ko inalis ang aking mga mata sa kaniyang mukha dahil gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya. “I already told you before, ayaw ko siyang pag-usapan dahil hindi siya bahagi ng relasyon natin, Faye,” sagot ni Sir Adi. “She's part of my past, hanggang doon na lang iyon. You are now my wife, kaya hindi nati