FAYE Gabi na, pero wala pa rin si Sir Adi. Hindi rin siya tumawag o nag-text man lang sa akin. Maging si Mommy Avery ay narinig kong nag-aalala na rin at inutusan si Daddy Alexander na tawagan umano ang kanilang kakilala sa kampo at alamin kung ano na ang nangyayari sa asawa ko. “He's fine, don't worry so much, Aves,” sagot ni Daddy Alexander. Kalmado lang siya, pero kaming dalawa ni Mommy Avery ay parehong hindi mapakali. Alam kong nag-aalala ang ina ng asawa ko, pero hindi niya ito ipinakita sa akin. Naririnig ko silang nag-uusap ni Daddy Alexander, kaya nalaman ko kung anong saloobin ni Mommy Avery. May tinawagan rin siya at inutusan din niya ang lalaking may pangalan na Andrew na tingnan umano sa kampo ang asawa ko at huwag umalis ng hindi niya kasama si Sir Adi. Mukhang maraming

