FAYE Marami akong nalaman tungkol sa organisasyon na pinag-usapan ni Mr. Mondego, pati na rin ni Daddy Alexander at ng iba pang ninong ng asawa ko. Hindi naman nakisali sa kanila si Mommy Avery. Lumapit siya sa akin at kinuha ang pinggan at tinidor na pinaglagyan niya ng mangga. Iniwan niya sa tabi ko ang bote ng mineral water para mabilis akong makainom kapag nauhaw ako. Gustong-gusto kong mag-text sa asawa ko at kumustahin siya dahil nag-aalala na ako sa kaniya, pero nagdadalawang-isip ako dahil narinig kong sinabi ni Daddy Alexander na nasa kampo raw ang asawa ko at under investigation dahil inunahan siyang ireklamo ni Lieutenant Morales ng harassment at tangkang pagpatay. Kinasuhan raw ang asawa ko ng kidnapping dahil sa pagdukot ng mga tauhan ni Sir Adi sa kapatid ni Lieutenant Mo

