FAYE Matapos kumain, niyaya akong umupo muna ni Sir Adi sa sala. Tinanong niya ako kung kumusta ang pakiramdam ko at kung hindi ako nakakaramdam ng pagkahilo. “Okay na ako,” sagot ko kay Sir Adi. “Alam mo naman kapag hindi maganda ang pakiramdam ko dahil lagi akong nakahiga.” Napangiti siya, kaya kinurot ko sa braso si Sir Adi dahil hindi ko gusto ang nakikita kong ngiti sa kaniyang mga labi. “I know you need a good rest tonight,” narinig kong sabi ng asawa ko matapos dumaan ang ilang segundong katahimikan. “Don't worry, I will massage you later bago tayo matulog.” Napaingos tuloy ako sa kaniya. “Mabuti naman at alam mong pagod ako, pero mas mabuting huwag mo na akong imasahe,” sagot ko. “Why?” nakangiting tanong ng asawa ko. “Ayaw ko ng masahe mo, Adi,” mabilis kong sagot. Nanulis

