FAYE Napatingin ako sa asawa ko dahil pakiramdam ko'y ibang tao siya ngayon habang kaharap niya ang kaniyang mga tauhan. Kanina lang, nagagawa pa niyang tumawa at makipagbiruan sa akin, pero ngayon, para siyang mabangis na leon na gustong manlapa ng kapwa. “Adi, hindi naman natin kailangang umabot sa ganyan,” sabi ko sa asawa ko. “Puwede mo siyang parusahan, pero huwag namang sobra-sobra.” Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Sir Adi nang bumaling siya sa akin at tiningnan ako. “This will serve as a warning to everyone here who wants to disrespect you, honey,” sabi niya sa akin. “I can't let this slide and see my own people act snobbish and rude to you just because I'm not with you!” “Pero, Adi, kawawa naman siya kung puputulan mo siya ng dila,” agad kong sabi sa asawa ko. “Okay, give

