FAYE Maaga akong umalis ng bahay ni Sir Adi. Tulog pa siya at hindi man lang nagising kahit ilang ulit na akong naglabas-masok sa kaniyang silid. Hindi ko tinawagan si Mang Tomas para ihatid ako sa unibersidad. Nag-book ako ng GrabCar para may masakyan ako papunta sa Makati. Nakakuha naman agad ako ng sasakyan, kaya mabilis akong nakasakay. Habang nasa daan, nakiusap ako sa driver na hintayin niya ako, dahil sandali lang ako at may kakausapin lang ako sa loob ng bahay na pupuntahan ko. Dahil maaga pa, hindi kami naipit sa traffic. Wala pang kalahating oras nang makarating kami sa tapat ng exclusive subdivision. Agad naman kaming pinapasok ng guwardya nang ipakita ko ang school ID ko at sinabi kung saan ako pupunta. Tahimik ang driver. Hindi rin siya nagtanong kung sino ang pupuntahan k

