Chapter 44

1866 Words

FAYE Ilang araw na ang lumipas, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang kontrata naming dalawa ni Sir Adi. Nasa abroad daw ang abogado niya, kaya wala rin naman akong magawa kundi maghintay dahil kahit ipilit ko ay hindi rin daw niya maibibigay sa akin. Buong linggo ay hindi pumasok si Sir Adi sa kanyang trabaho. Dito lang siya nanatili sa bahay, pero may pagkakataon na umaalis siya sa gabi at madaling araw na kung umuwi. Kahit nagtataka ako kung saan pumupunta sa gabi si Sir Adi, hindi ako nagtangkang magtanong dahil bukod sa hindi ko na dapat iniisip ang tungkol dito, wala naman akong karapatan na gawin iyon. Kahit kasal na kaming dalawa ni Sir Adi, malinaw sa akin na nagtrabaho pa rin ako sa kanya. Asawa lang niya ako sa papel dahil sa aming kontrata, kaya alam ko kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD