FAYE Kahit nandito lang ako sa bahay ni Sir Adi araw-araw, ay hindi ako nakaramdam ng pagkabagot dahil masaya ako sa aking ginagawa at wala akong naging problema sa trabaho ko. Bukod sa isang milyon at limang-daang libong piso na binayad sa akin ni Sir Adi, ay may natatanggap rin akong pera buwan-buwan. Direkta itong pumapasok sa bank account ko, at nakita ko lang noong isang linggo dahil wala akong ideya na may gano'n pa pala akong benepisyo. Minsan ko nang narinig ang tungkol doon. Pero hindi ako nagtanong kay Sir Adi dahil maraming pagkakataon na may sinasabi siya, pero hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Ang sabi ni Sir Adi nang tanungin ko siya ay allowance ko raw iyon buwan-buwan. Tinanggap ko na rin, kasi malaking tulong iyon sa aking pamilya sa probinsya. Nandito k