FAYE “Kuya Romeo, dito ka rin ba nakatira?” bigla kong naisip na itanong dahil naalala ko ang sinabi sa kanya kanina ni Sir Adi nang ipagtabuyan siya ng aking amo. Ngumiti si Kuya Romeo at sinagot ang tanong ko. “Yeah, nasa ibaba lang ang bahay ko.” “Ah, magkapitbahay pala kayo ni Adi.” “Oo, gusto mo bang pumunta sa condo ko para malaman mo kung saan ako nakatira?” tanong ni Kuya Romeo sa akin. “Puwede ba?” “Oo naman,” mabilis na sagot ni Kuya Romeo. “Don't worry, hindi tayo magtatagal doon, Faye. Ihahatid rin agad kita dito bago dumating si Aidan.” Mapagkakatiwalaan naman si Kuya Romeo, kaya walang problema kung sasama ako sa kanya. Para ko na siyang kapatid, at sa tingin ko naman ay gano’n rin ang turing niya sa akin. “Sige, magpapaalam lang ako sandali kina Manang, Kuya.” Tuma