FAYE Nakaupo ako katabi ni Sir Adi at tahimik na nakikinig sa usapan nilang dalawa ni Kuya Romeo. Nahihiya kasi ako dahil wala siyang pakialam kahit kaharap namin ang kanyang kaibigan. Kinuha niya ang kanang kamay ko at dinala sa ibabaw ng kanyang hita, at mabilis na pinagsalikop ang aming mga palad. Nakita kong nakatingin si Kuya Romeo sa aming mga kamay, pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Gumalaw lang ang kanyang kilay at nginisihan si Sir Adi. “Bakit bigla kang umuwi dito sa Maynila? May problema ba sa area?” tanong ni Sir Adi kay Kuya Romeo. “Wala naman, kumuha lang ako ng isang linggong bakasyon at namimiss ko nang guluhin ang tahimik na buhay ng magaling kong kapatid,” nakangiting sagot ni Kuya Romeo. “Baliw! Gusto mong mabawasan ang kagwapuhan mo kapag sinira