FAYE Palagi na lang si Mira ang isyu sa amin ni Sir Adi, kaya tumayo na lang ako at iniwan ko siya sa loob ng aming silid. Walang dahilan para magtanong ako sa kaniya ng iba pang detalye sa away nilang dalawa ni Lieutenant Morales dahil isa lang naman ang dahilan noon, at iyon ay dahil kay Mira. Lumabas ako sa veranda at umupo sa sofa. Minabuti kong mamalagi dito para sumagap ng sariwang hangin dahil pakiramdam ko'y naninikip ang aking paghinga kapag nasa loob ako ng silid namin ni Sir Adi. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag, kaya masarap manatili dito sa veranda. Malamig na rin ang ihip ng hangin, pero mas masarap pa rin sa probinsya dahil sariwa ang hangin doon at berde ang kapaligiran, hindi katulad dito sa Maynila na nagtataasang gusali ang nakapaligid sa akin. Sumandal ako sa sofa

