Chapter 151

1559 Words

FAYE Umiikot ang aking paningin at magaan ang pakiramdam ko sa aking ulo habang nakasalampak ako sa sahig, kaharap ang toilet bowl dito sa loob ng banyo. Paulit-ulit akong nagsusuka. Pakiramdam ko'y hinahalukay ang aking tiyan sa tuwing nanunuot sa aking ilong ang mabahong amoy ng asawa ko. Nagsimula akong makaramdam nito nang pumasok ako dito sa loob ng silid namin. Masakit na ang aking ulo habang pauwi kami at nasa loob ng kaniyang sasakyan, pero nang pumikit ako at saglit na naidlip, ay nabawasan ang pananakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Sir Adi at napakabaho niya ngayon. Mukhang may nagulungan siyang patay na daga o nabubulok na kung ano nang magpambuno silang dalawa ni Lieutenant Morales kanina sa kampo. Ilang minuto nang nakalabas si Sir Adi at iniwan ako di

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD