FAYE Tahimik akong nakaupo sa tabi ng aking ama. Pareho kaming walang imik habang nakatingin sa malawak na bakuran ng bahay ni Sir Adi. Matapos naming mag-usap at humingi ng tawad sa akin ng tatay ko, muli kaming nag-iyakan, pero nang kumalma kami, kinabig ako ng aking ama, kaya napasandal sa balikat niya ang aking ulo. “Please don't think so much, Anak,” narinig kong sabi ng aking ama sa akin. “Makakasama iyan sa inyo ng mga apo ko.” Sinabi ko na sa kaniya na triplets ang ipinagbubuntis ko. Tuwang-tuwa siya dahil marami agad siyang apo, at kahit maliit pa ang aking tiyan, ay excited na siyang makita ang mga batang isisilang ko. “Kumusta ang trato ng asawa mo sa iyo, Anak?” tanong ng aking ama sa akin. “Okay naman po,” maikli kong sagot. “Hindi ka ba nahihirapan sa kaniya?” muli niy

