FAYE Pagpasok ko pa lang sa pintuan, nagtaka na ako dahil napakatahimik ng buong kabahayan. Galing ako sa bahay ng mga magulang ko dahil kadarating lang nina mommy galing sa Canada, at dumaan ako doon para kunin ang pasalubong nila sa amin ng mga bata. Agad sinuyod ng aking mga mata ang kabahayan, pero hindi ko nakita sina Adi at ang triplets namin, gayong ang sabi niya kanina ay nakauwi na raw sila. Naisip ko na baka nasa itaas sila, o kaya nasa loob ng silid nila, kaya naglakad ako papunta sa elevator para umakyat sa third floor. “Dumating ka na pala, Faye,” sabi sa akin ni Armida. “Oo, kadarating ko lang,” nakangiti kong sagot at pagkatapos ay inabot sa kaniya ang isa sa mga paper bag na dala ko. “Para sa inyo ito,” sabi ko kay Armida. Napangiti naman siya nang abutin ang dala ko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


