FAYE Dito nanatili sa bahay ni Sir Adi si Kuya Romeo sa loob ng tatlong araw. May pumupuntang doktor para tingnan at linisin ang kaniyang sugat araw-araw, kaya hindi na niya kailangang pumunta sa ospital para magpagamot. Ganito pala ang mayaman. Walang kahirap-hirap na nakakakuha ng medical care kapag kailangan nila, hindi katulad sa amin sa isla na kailangan naming pumunta sa ospital sa bayan para magpatingin sa doktor kapag may sakit o kaya naman, katulad ni Papa na kailangan ng gamutan dahil naaksidente siya. Ngayong araw, aalis sina Sir Adi at Kuya Romeo papunta sa isla, pero wala akong balak sumama sa kanila. Baka kasi hindi na ako payagan ng mga magulang ko na bumalik dito sa Maynila kapag nalaman nila kung ano ang trabaho ko ngayon dito sa bahay ni Sir Adi. “Honey, wake up,” nar