FAYE Simula nang bumalik si Sir Adi mula sa isla, palagi siyang nagbibigay sa akin ng bulaklak. Wala na nga kaming mapaglagyan dito sa bahay, kaya pati sa banyo ay naglagay na rin ako ng vase para hindi masayang ang mga dala niyang rosas. Malapit na rin ang pasukan. Excited na akong pumasok at mag-aral. Binilhan na rin ako ni Sir Adi ng mga gamit nang minsan kaming pumunta sa shopping mall para mamili ng mga gagamitin ko sa darating na pasukan. Si Baby Janica naman, sina Manang Norma muna ang mag-aalaga sa kaniya habang wala ako, pero sa akin siya pag-uwi ko sa hapon hanggang umaga. Kanina pa ako nakabihis at naghihintay kay Sir Adi. Ang sabi niya nang tawagan ako ay aalis daw kami, kaya nagbihis ako. Sinipat ko ang oras sa relo sa aking bisig. Alas-otso na pala ng gabi, pero wala pa