FAYE Nakangiti sa akin ang doktor habang nagsasalita siya, pero nakatingin lamang ako sa kaniya dahil wala akong marinig. Hanggang ngayon kasi ay umuugong pa rin ang tenga ko. Tanging ito ang naririnig ko at wala nang iba. Nakakapagsalita naman pala ako, pero dahil sa nangyari kanina at hindi ako makarinig, kaya tanging kumpas ng kamay at pag-iling ang nagawa ko. Akala siguro ng mga tauhan ng asawa ko ay natrauma ako dahil hindi ako makarinig at makapagsalita. Ang hindi nila alam, naging ganito ako dahil sa napakalakas ng sunod-sunod na putok ng baril na ginamit ni Mang Tomas, tapos nasa loob pa kami ng saradong sasakyan, kaya napakalakas ng impact ng bawat tunog. Bawat kalabit ng gatilyo ni Mang Tomas kanina ay para bang umaalog ang sasakyan. Mataas na kalibre kasi ng baril ang hawak

