FAYE Dito kami natulog sa ospital ni Sir Adi. Hindi siya umuwi kahit sinabi kong magpahinga na siya dahil wala umano siyang tiwala sa aking paligid. “May pasok ako mamaya, Adi,” sabi ko sa kaniya. Hindi pa tapos ang exam namin, kaya gusto ko sanang pumasok, pero ang sabi ng asawa ko ay hindi pa raw ako puwedeng lumabas ng ospital. Ipinakita niya ang tinipang text message sa kaniyang cellphone. Bukas na lang daw ako pumasok dahil hindi pa ako papayagan dito sa ospital na lumabas ngayong araw. Kailangan ko pa raw magpahinga dahil traumatic daw ang naranasan kong ambush kahapon, kaya under observation pa ako ngayon. Sinabi kasi ni Mang Tomas na nahulog ako sa aking upuan nang banggain ang kotseng sinasakyan namin mula sa likuran ng mga armadong lalaking nagtangka sa buhay namin kahapon

