FAYE “Daddy, magkakilala po ba kayong dalawa ni Mama?” tanong ko kay Daddy Alex. “Yes,” narinig kong sagot ng aking biyenang lalaki. Ako na ang bumasag sa katahimikan dahil daig pa namin ang dinaanan ng anghel. Naging tahimik ang buong silid at walang nagsalita sa mga kasama ko, kaya ako na ang unang nagsalita. “Maupo na po tayo, Mama,” sabat naman ni Don-Don dahil parang napako sa kaniyang kinatatayuan ang aming ina. Tahimik na naglakad si Mama at umupo sa pang-isahang sofa. Si Don-Don naman ay pumunta sa maliit na kusina at nakita kong nagsalin ng tubig sa baso para uminom. “Paano po kayo nagkakilala na dalawa?” nagtataka na tanong ko sa aking ina. “Mahabang kuwento, huwag mo nang itanong,” tila walang ganang sagot ni Mama sa tanong ko. Naramdaman kong pinisil ni Sir Adi ang akin

