FAYE Dahil dito, natulog sina Mr. Mondego at ang aking ama, kaya dito rin sila kakain ng almusal. Maaga pa lang kasi, nagrereklamo na ang matandang bisita namin na tanghali na raw ay hindi pa sila pinapakain ng asawa ko. “Adi, aalis ka ba ngayon?” tanong ko sa asawa ko. “No, why?” tanong rin niya sa akin. “May gusto ka bang puntahan, honey?” “Gusto kong bumili ng damit kasi wala akong maisuot,” sagot ko. “I thought you had a few clothes inside the closet, honey,” sagot ni Sir Adi. “Ayaw mo ba sa mga iyon?” Nangunot ang aking noo. “Ibig mong sabihin, para sa akin ang mga damit na nakita ko sa loob ng kabinet?” tanong ko rin sa kaniya. Sinagot naman agad ng asawa ko ang aking tanong. “Yes, it's yours, honey. I asked Manang to take some of your clothes inside the wardrobe at pinahatid

