FAYE Madaling araw nang magising ako. Nakaramdam ako ng uhaw, kaya bumaba ako sa kama para kumuha ng mineral water, pero naubos na pala ang hinatid ni Lena kahapon. Pareho kaming nauhaw ng asawa ko matapos ang mainit na tagpong pinagsaluhan naming dalawa kanina. Kaya bago matulog, ay naubos namin ang laman ng mineral water na nasa ibabaw ng mesa sa sulok. Lumapit ako sa kama at ginising ko ang asawa ko. Mukhang pagod na pagod siya dahil kahit ilang ulit ko siyang tinapik sa balikat, hindi siya agad nagising. “Adi, gising na,” sabi ko sa kaniya. Nauuhaw ako at pakiramdam ko'y nangangasim rin ang aking sikmura. Napatakip tuloy ako ng bibig at patakbong pumasok sa banyo para magsuka dahil biglang nanigas ang pakiramdam ko sa aking tiyan. Hinang-hina na naman ako nang matapos magsuka. Tu

