FAYE Gaya ng dati, matapos ang klase, hinatid ko si Lorabel sa bahay niya. Hindi muna ako umuwi sa penthouse ni Sir Adi dahil nagpaalam ako sa kaniya na pupunta ako sa ospital at dadalawin ko ang aking mga magulang at kapatid. Dumaan na rin ako sa isang fast food chain at nag-order ng pagkain para sa tanghalian namin. Ang sabi naman ng aking ina ay may rasyon na pagkain sa ospital para sa pasyente at sa kasama niyang bantay, kaya hindi na sila lumalabas para bumili. Mula almusal hanggang hapunan, may binibigay na pagkain sa kanila, kaya ayos lang kahit hindi na ako magdala. Pero dahil alam kong gusto ni Don-Don ng burger at spaghetti mula sa Jollibee, dumaan na rin ako. Hinatid ako ni Mang Tomas sa tapat ng silid na tinutuluyan ng mga magulang ko. Hindi na siya pumasok dito sa loob a

