FAYE “Ayos ka lang, Faye?” tanong sa akin ni Lorabel habang nakaupo kami dito sa ilalim ng puno. “Oo, bakit mukha akong hindi okay ngayon?” pormal ang ekspresyon na tanong ko rin sa kaniya. “Hindi naman,” sagot ng kaibigan ko. “Kanina pa kasi kita napapansin na para bang may hinahanap ka. Hindi ko alam kung instinct ko lang ba ito, pero para bang may kakaiba sa iyo.” Nangunot ang aking noo at napatingin sa kaibigan ko. “Ano'ng ibig mong sabihin?” Nagkibit-balikat si Lorabel. “Napansin ko lang na kanina ka pa kasi tumitingin sa mga tao sa paligid natin,” paliwanag niya. “Hindi ka naman dating ganyan, Faye. May problema ka ba?” Bumaling ako sa kaniya at tipid na ngumiti kay Lorabel. Hindi ko alam na malakas pala ang pakiramdam ng kaibigan kong ito, kaya napansin niya na kanina ko pa pi

