Chapter 55

1821 Words

FAYE Iniwan kong natutulog sa loob ng silid si Sir Adi. Nagugutom na ako, kaya hindi na ako makatulog. Nahirapan akong makaalis sa kaniyang tabi dahil yakap niya ako ng mahigpit at nakadantay pa ang kaniyang mga hita sa aking binti. “Faye, kakain ka na ba?” tanong ni Armida sa akin. Naabutan ko siyang abala dito sa kusina at naghuhugas. Ngumiti ako kay Armida at tinanong kung nasaan si Baby Janica. “Nakatulog na siya. Napagod kasi at kanina pa laro nang laro,” sagot ni Armida. Kumuha na ako ng kanin at ulam. Dito na rin ako sa kusina kumain at hindi na pumunta sa dining table dahil mag-isa lang naman ako. “Nakakatakot talaga kapag sundalo ang asawa, Faye,” sabi ni Armida habang kumakain ako. “Bakit naman?” tanong ko sa kaniya. “Alam mo ba kung anong nangyari sa kaibigan ni Sir Adi?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD