FAYE “Faye, dumating ang Lolo Sabby mo at ang Lola Acally mo. Gusto mo bang papasukin ko sila dito?” tanong ni Mama sa akin habang nagpapasuso ako sa panganay namin ni Sir Adi. “Ngayon na po ba?” tanong ko kay Mama. “Ikaw, kung ayos lang sa iyo na papasukin sila dito o lalabas na lang kayo ng mga apo ko,” sagot ni Mama. “Mamaya na lang po, Mama,” sagot ko. “Tapusin ko po munang pasusuhin si Baby.” Ang sabi kasi ni Mama, kahit may pera daw kami at kaya naman naming bumili ng gatas, ay dapat huwag akong umasa sa formula dahil the best pa rin sa sanggol ang gatas mula sa ina. Mas gusto niya na sa akin sumususo ang mga anak ko, kaya araw-araw, ilang tasa ng sabaw ng nilaga at tinola ang pinapainom niya sa akin para dumami raw ang gatas ko dahil tatlo ang kailangang sumuso sa akin. Kahit

