FAYE Araw ng binyag ngayon ng mga anak ko, pero nagkakagulo kami dahil nag-unahan sina Mommy, si Mama, pati na rin si Daddy Alexander sa paghawak sa mga anak ko. Ako tuloy na nanay ang walang hawak na bata habang nakatayo at nakikinig sa sinasabi ng pari. Maingay rin si Lolo Sabby, pero kahit kanina pa siya nagrereklamo ay wala siyang nagawa dahil hindi niya puwedeng hawakan ang isa sa mga anak ko. Bukod sa nakaupo siya sa wheelchair, mahina na rin siya, pero sadyang malakas pa rin ang kaniyang tinig kahit may katandaan na. “Anong pangalan niya?” narinig kong tanong ng pari habang nakatingin sa panganay ko. Mabilis namang sumagot si Mommy. “Adrian po, Father.” “Itong isa?” tanong ulit ng pari habang nakatingin sa pangalawang anak ko. “Anwar po, Father,” sagot ni Mama. Muling nagtan

