FAYE Malakas na katok mula sa labas ng pintuan ang narinig ko habang nakaupo ako, kaharap ang malaking salamin, at inaayos ng beautician ang buhok ko kasabay ng isa pang babae na maglalagay ng makeup sa mukha ko. Tumayo agad si Armida at binuksan ang pinto. Agad namang pumasok si Mama, dala ang isa sa mga anak ko. “Itong anak mo, ayaw dumede sa bote,” reklamo ni Mama. Agad siyang lumapit sa akin, dala si Anwar, kaya kinuha ko ang aking anak mula sa braso ni Mama at agad ko siyang hinele sa aking kandungan. “Sandali lang ha,” sabi ko sa mga kasama ko. Kailangan ko muna kasing i-breastfeed ang anak ko, kaya nakiusap muna ako na mamaya na lang nila ituloy ang ginagawa dahil iritable ang anak kong ito, lalo na kapag maingay sa paligid. Hinawi ko ang robe na suot ko at agad inilabas ang

