FAYE “Happy birthday!” Malakas na ingay ang narinig namin sa hardin. Lumabas na rin sina Sir Adi, kasama si Daddy, at dito na sila nag-inuman. Maging si Mommy, na hindi naman daw umiinom, ay nayaya na rin nila, kaya ang ingay nilang lahat dito sa hardin. Hindi ko alam kung saan sila kumuha ng bidyo-oke dahil bigla na lang dumating si Marvin dala niya ito at nagkaroon ng kantahan. Bida-bida naman si Sir Adi na nauna pang kumanta sa lahat habang nakatingin sa akin. Kilig na kilig naman ang mga kasama namin at tinutukso nila ako. Kinikilig rin naman ako, pero hindi ko lang pinakita sa kanila dahil tipid na ngiti lamang ang sinukli ko. Nahihiya kasi ako dahil hindi talaga ako komportable na nasa akin ang atensyon nilang lahat. “Ma'am, masarap po ang barbecue,” sabi ni Lara sa akin. “S

