FAYE Nakita kong sumulyap sa akin si Sir Adi. Inirapan ko siya at inis na sumalampak ng upo sa sofa. Kaya pala binuksan niya ang butones ng suot na polo kasi gusto siguro niyang ipakita doon sa babaeng kulang sa tela ang kaniyang dibdib. Nakakainis, pareho silang malandi ng babaeng iyon! Hindi ko kinikibo si Sir Adi. Hinayaan ko siyang gawin ang kaniyang trabaho habang ako naman ay tahimik na nakaupo dito sa sofa. Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko siyang tumayo at humakbang palapit sa akin. “Are you okay?” Hindi ko sinagot ang tanong ni Sir Adi. Nagkunwari akong hindi siya naririnig at nanatiling seryoso ang ekspresyon. “What's wrong?” “Sino ‘yong babaeng pumasok kanina?” inis kong tanong sa kaniya. “My secretary,” agad na sagot ni Sir Adi. Umupo siya sa tabi ko at ginagap an