FAYE Wala akong imik habang tahimik na nagmamaneho si Sir Adi pauwi sa kaniyang bahay. Kanina ko pa siya nahuhuling nakangiti at nakatingin sa akin, pero hindi ko siya pinansin. Mukha naman siyang nag-eenjoy na ganoon ang suot ng kaniyang sekretarya, kaya hinayaan lang niya. Siguradong hindi niya pagsasabihan ang babaeng iyon kung hindi ako nainis kanina dahil malaswa naman talagang tingnan na ganoon ang ayos niya kapag pumapasok sa opisina ni Sir Adi at pinaparada ang sarili sa harap ng aking asawa. Wala naman akong pakialam sana doon, kaya lang, bigla akong nainis at hindi ko na naman tuloy napigilan ang aking sarili. Nakakainis palang makita na may ibang babaeng kasama si Sir Adi, kaya sa susunod, mas mabuting huwag na lang akong sumama sa kaniyang opisina para hindi magkaroon ng gu