Chapter 65

1519 Words

FAYE Nagkakawag agad ang mga kamay at paa ni Baby Janica nang makita niya kaming dumating ni Sir Adi. Tuwang-tuwa naman ang aking alaga nang lumapit ako sa kaniya at binuhat ko siya. Lumapit sa amin si Sir Adi, at magkasunod kaming hinalikan ni Janica sa pisngi. “Someday, anak naman natin ang bubuhatin mo,” mahinang bulong niya sa akin, kaya napangiti ako. Ramdam ko na gusto na talaga niyang magkaroon ng anak, pero hindi pa ako handang ibigay sa kaniya ‘yon ngayon. Mabuti na lang at hindi ako kinukulit ni Sir Adi tungkol dito, at ayos lang sa kaniya na ituloy ko ang aking pag-aaral kaya panatag ako. “Kumusta po si Janica habang wala kami?” magalang na tanong ko kay Manang Norma. “Naku, umiyak siya kagabi at hinahanap ka,” sagot ni Manang Norma. “Kinagat nga ako sa braso kasi akala sig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD